Kahirapan
By: Len-len Santos
Anakpawis, Maralita, Dukha, Mahirap, Pobre, Mga sinasamantalahan, at Inaapi
Bakit nga ba tayo naghihirap?
Patuloy ang pag bulusok ng krisis sa ating bansa kaya maraming pilipino ang nakararanas ng kahirapan. Maraming pilipino ang hindi nakakapag-aral,at kung nakakapag tapos naman, walang mapasukang trabaho. Maraming nagkakasakit ngunit walang kakayahang mag pagamot, Marami tayo na mga sinasamantalahan, Marami tayo na mga inaapi.
Ilang rehimen na ang nag daan, ngunit ang kahirapan ay patuloy parin na nakakabit sa atin. Para bang isa itong sakit, na sa pang araw-araw ng ating pag kilos ay nararamdaman natin ang mabilis na pag kalat nito sa ating katawan, kung kaya’t kadalasan ito ang dahilan ng paghihina ng ating katawan, at nag reresulta ng maaga nating KAMATAYAN.
Makakalungkot mang isipin na dahil sa kahirapan na naging kakambal natin sa ating buhay, Maraming pilipino ang nakikipag sapalaran sa ibang bayan para doo’y magtrabaho, dala-dala ang pag asa na isang umaga,mayrong magandang buhay namakakamit sila. Ngunit makalipas ang ilang taon, dahil sa mga pag aapi’t pagsasamantalang naranasan nila doon, isang malamig na bangkay ang matatanggap ng mga mahal nila sa buhay. Ang magandang buhay na kanilang inaasam ay napalitan ng pait at pighati.
Kawawa ang mga minamahal nating kababayan sa ibang bansa, kawawa ang mga kabataang nalululung sa droga,at hindi napagbigyan ng pagkakataong makapagtapos ng pag aaral. Kawawa rin ang nga batang lansangan na walang mabuting natutulogan, walang nakakain, at ni walang nagkakalinga sakanila. Kawawa silang nagiging palaboy. Kawawa ang matatandang nasa gilid ng kalsada nag mamalimos. Napakayaman ng bansang Pilipinas, Ngunit bakit nag hihirap ang mamamayang pilipino?
Kahirapan ang unti-unting papatay saatin kung hindi tayo kikilos at kug patuloy tayong aasa sa bulok na sistema ng ating lipunan. Wala rin tayo maaasahan sa bulag at bingi nating pangulo. Dahil ang Gobeyrno nating bulok ay nag lilingkod sa mga naghaharing-uri at emperyalistang bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento