Biyernes, Setyembre 30, 2011

Ano ang mga dapat gampanan ng amahalaan?

Hintay muna: Ano ang mga dapat gampanan ng pamahalaan? Ano ang dapat ipaubaya sa mga tao? Paano ba uurong ang pamahalaan?
Ang pag-urong ay paglalansag o paglalako ng mga kagawarang kasalukuyang pinaaandar ngayon ng pamahalaan. Halimbawa ay koryente at tubig sa Manila na kamakailan lamang ay ipinagbili ng pamahalaan. Gaya ng mga ito, dapat ipaubaya ang mga gawaing mainam na magagampanan lamang kung pinagkakakitaan [financially profitable]. Lalawak pa ang kalakal at kita ng mga tao pagkabitaw sa mga ito.
Dapat ipamahala na sa mga lalawigan, mga kabayanan at maging mga nayon ang mga mababa at mataas na paaralan [elementary and high schools]. Higit na alam ng mga pamahalaan sa mga lalawigan ang mga kailangang matutunan ng mga naghahanap-buhay doon. Pagtulong, pagsusuri at pagmanman na lamang ang dapat gawin ng pambansang pamahalaan. Ang pagpapatakbo ng mga paaralan mula sa Manila ay lapat sa mga tuntunin ng mananakop, gaya ng mga Español at mga Amerkano, na hanap mapagsilbihan sila, ang España at America, ng mga tao. Kaya karamihan sa mga nakapag-aral ay naging clerk o guro, ang tuntunin ng mga Amerkano. Nuong panahon ng Español, ang mga nakapag-aral ay naging mga pari, mga parmasiotico, at iba pang kailangan ng mga Español. Higit na masaklap, hanggang ngayon, lahat ng nakapag-aral ay paniwalang dapat silang magtungo sa Manila upang magamit ang napag-aralan, gaya nuong panahong sakop ang Pilipinas ng hindi-Pilipino. Sa sariling pamahalaan, ang mga pangangailangan ng tao, hindi ang pamahalaan, ang dapat pagsilbihan.
Kapuna-puna: 2 sa bawat 5 Pilipino ay naghahanap-buhay sa bukid, ngunit ilan ang paaralan sa pagtatanim? Walang paaralan ng pagtatabako sa Ilocos, pag-aabaca sa Bicol, pagniniyog sa timog Luzon, Visayas at Mindanao, iisa ang paaralan ng pagpapalay sa buong Gitnaang Luzon, mga dayuhan pa ang nagpapatakbo sa IRRI [International Rice Research Institute] sa Los Banyos, Laguna. Maraming paaralang merchant marine sa Manila, itinuturo kung paano magmekaniko at mag-waiter sa mga barko sa labas ng Pilipinas. Mainam naman iyon, ngunit sa bayang binubuo ng libu-libong pulo, walang paaralang nagtuturo kung paano magpaandar ng barko, kung paano gumawa ng barko, kung paano maglayag sa dagat. Walang paaralan ng pangingisda.
Karamihan nito ay maaaring ituro sa mataas na paaralan [high school]. Kahit na sa mababang paaralan, maituturo kung paano ang mainam na pag-imbak ng palay, kamote at gabi sa tag-ulan, at iba pang mga aral na makakabuti sa ikabubuhay. Sa mga lalawigan dapat matutunan ang ganito; sa mga pulo higit na maganang mag-aaral ang mga kabataan ng pagtatanim, ng pangingisda, ng paggawa ng mga kasko at iba pang sasakyang pandagat. Sa ngayon, marami ang paniwala na sa labas ng paaralan lamang natututunan ang mga ito. Na ang pag-aaral ay para lamang sa mga sisiksik sa pamahalaan, magkakawani sa opisina.
Dapat lamang akuin ng pambansang pamahalaan ang mga:
  1. Landasan at ugnayan [travel and communications]
    1. Highways, pag-ugnay ng mga lalawigan, at ng mga lungsod sa mga nayon
    2. Trains, mura, tipid sa gasolina, pangmaramihan at huwag takpan ang lahat ng bukid ng lansangan!
    3. Post Office, mahilig magsulatan ang mga tagapulo, hindi ito kaya ng mga lalawigan, kailangan pa sa maliliit na kalakal mula Aparri hanggang Davao
    4. Mga barkong papulo-pulo [inter-island shipping], pinakamurang lakbay at kalakal mula Ilocos hanggang Surigao.
  2. Katarungan at katahimikan [justice and defense]
    1. Hukbong dagat, hukbong parang. Napakadukha ang Pilipinas upang magtustos sa libu-libong nakatalungko lamang sa mga kampo. Gumawa ng mga highway at tulay ang mga sundalo, at magpulis sa bukid at bundok laban sa mga mandarambong at tulisan gaya ng Abu Sayyaf. Hukom at Batasan ang dapat humarap sa NPA at mga Muslim.
    2. Mga piitan, hindi ito kaya ng mga lalawigan, tapunan ng mga ayaw makibagay sa lipunan, sa mga pulong maaaring taniman ng sariling pagkain.
    3. Buwis, hindi kayang supilin ng mga lalawigan ang mga oligarchs na ayaw magbayad ng buwis, at sa paggamit ng buwis mapapagpantay ang mga kawawang lalawigan sa mga mayaman.
  3. Dalubhasaang pag-aaral [college education], kailangan ang University of the Philippines sa hilaga at timog Luzon, Visayas at Mindanao, upang masulsulan ang kaalaman, at tustusan ang mga dukhang may sapat na dunong at kaloobang mag-aral ng
    1. Bagyo at Tag-tuyo [weather/drought forecasting]
    2. Bulkan [volcanology, geology] at Pag-anod ng lupa [soil erosion]
    3. Poso at Lawa sa lupa [aquafer/water management], kailangan sa mga lalawigan, patubig sa bukid, at sa mga lungsod, paligo sa tao.
    4. Palaisdaang dagat [marine biology/agriculture], kulang sa lupa, malakas kumain ang 84.5 milyong tao.
Kahirapan
By: Len-len Santos
Anakpawis, Maralita, Dukha, Mahirap, Pobre, Mga sinasamantalahan, at Inaapi
Bakit nga ba tayo naghihirap?

Patuloy ang pag bulusok ng krisis sa ating bansa kaya maraming pilipino ang nakararanas ng kahirapan. Maraming pilipino ang hindi nakakapag-aral,at  kung nakakapag tapos naman, walang mapasukang trabaho. Maraming nagkakasakit ngunit walang kakayahang mag pagamot, Marami tayo na mga sinasamantalahan, Marami tayo na mga inaapi.

Ilang rehimen na ang nag daan, ngunit ang kahirapan ay patuloy parin na nakakabit sa atin. Para bang isa itong sakit, na sa pang araw-araw ng ating pag kilos ay nararamdaman natin ang mabilis na pag kalat nito sa ating  katawan, kung kaya’t kadalasan ito ang dahilan ng paghihina ng ating katawan, at nag reresulta ng maaga nating KAMATAYAN.

Makakalungkot mang isipin na dahil sa kahirapan na naging kakambal natin sa ating buhay, Maraming pilipino ang nakikipag sapalaran sa ibang bayan para doo’y magtrabaho, dala-dala ang pag asa na isang umaga,mayrong magandang buhay namakakamit sila. Ngunit makalipas ang ilang taon, dahil sa mga pag aapi’t pagsasamantalang naranasan nila doon, isang malamig na bangkay ang matatanggap ng mga mahal nila sa buhay. Ang magandang buhay na kanilang inaasam ay napalitan ng pait at pighati.

Kawawa ang mga minamahal nating kababayan sa ibang bansa, kawawa ang mga kabataang nalululung sa droga,at hindi napagbigyan ng pagkakataong makapagtapos ng pag aaral. Kawawa rin ang nga batang lansangan na walang mabuting natutulogan, walang nakakain, at ni walang nagkakalinga sakanila. Kawawa silang nagiging palaboy. Kawawa ang matatandang nasa gilid ng kalsada nag mamalimos. Napakayaman ng bansang Pilipinas, Ngunit bakit nag hihirap ang mamamayang pilipino?

Kahirapan ang unti-unting papatay saatin kung hindi tayo kikilos at kug patuloy tayong aasa sa bulok na sistema ng ating lipunan. Wala rin tayo maaasahan sa bulag at bingi nating pangulo. Dahil ang Gobeyrno nating bulok ay nag lilingkod sa  mga naghaharing-uri at emperyalistang bansa.